Walang nakikitang problema ang isang grupo ng mga magsasaka sa plano ng gobyerno na mag-angat ng bigas tuwing lean months.
Paliwanag ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So, ito’y dahil mababa ang stocks ng local rice millers at ang anihan ay magsisimula pa sa mid-October.
Subalit, iminungkahi ni So ang “calibrated import” upang hindi aniya malugi ang mga magsasaka.
Una nang sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na kailangang mag-import ng Pilipinas ng bigas kasunod ng pananalasa ng bagyong Egay sa sektor ng agrikultura at ang posibleng epekto ng El Niño phenomenon. —sa panulat ni Airiam Sancho