Nanindigan si Senate Committee on Health chairman Christopher ‘Bong’ Go na hindi pa napapanahong alisin ang deklarasyon ng public health emergency sa bansa.
Sinabi ni Go na nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 at kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat.
Hanggat mayroon pa anyang namamatay at mga matinding tinatamaan ng covid ay delikado pa rin ang sitwasyon kaya premature pang maituturing na i-lift ang public health emergency.
Ipinaliwanag ng senador na sa pamamagitan ng deklarasyon, mas matutukan ng mga health officials at mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang patuloy na pagtugon sa COVID 19.
Una nang isinailalim sa Alert level 2 ng Interagency Task Force for the management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang 26 na lugar sa bansa simula noong April 15 hanggang 30.
Inaatasang magpatupad ng restrictions ang 26 na lugar na nasa Alert level 2 partikular ang 50 percent indoor capacity sa mga establisiyimento para sa fully vaccinated at 70% naman ang outdoor capacity. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News