dzme1530.ph

P93.6-M na jackpot sa SuperLotto 6/49, solong napanalunan

Isang masuwerteng mananaya ang nanalo ng mahigit P93.6-M na jackpot sa SuperLotto 6/49 na binola kagabi.

Tinamaan ng solo winner ang number combination na 41 – 12 – 25 – 05 – 19 at 18.

Huling napanalunan ang SuperLotto 6/49 jackpot ng isa ring masuwerteng mananaya noong June 15, na nagkakahalaga ng P15.84-M. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author