P9-B ang kailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa development at security ng mga teritoryong inu-okupa ng bansa sa West Philippine Sea.
Ginawa ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagtaya kasunod ng pagbisita niya sa Pag-asa Island, kasama si Speaker Martin Romualdez at iba pang lider ng Kamara.
Sinabi ni Brawner na mahalaga na maiparamdam ng Pilipinas ang presensya sa West Philippine Sea upang ma-kontrol ang lugar.
Aminado ang heneral na marami pang kailangang gawin, hindi lamang sa Pag-asa Island, kundi sa walo pang features sa pinagtatalunang teritoryo. —sa panulat ni Lea Soriano