Umabot na sa P800-B na halaga ng investments ang inaprubahan ng Board of Investments (BOI) hanggang sa unang bahagi ng Setyembre.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, nalagpasan ng year-to-date investment approvals ng BOI ang P729-B na inaprubahang investments noong 2022.
Sinabi ng kalihim na lumalabas na on track ang BoI na maaabot ang kanilang revised P1.5-T na full-year target ngayong 2023.
Itinaas ng BOI ang kanilang target para sa investment approvals ngayong taon ng 50% o sa P1.5-T mula sa orihinal na P1-T. —sa panulat ni Lea Soriano