Aabot sa P7-B halaga ng yamang dagat ang posibleng na-expose sa oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.
Sinabi ni DENR sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga, na kinabibilangan ito ng coral reefs, seagrass, mangroves, at fisheries.
Idinagdag ni Yulo-Loyzaga na kailangan din ng DENR na i-verify sa ground ang posibleng pinsala ng oil spill.
Inihayag din ng kalihim na patuloy na tumatagas ang langis mula sa lumubog na motor tanker dahil mayroon pa itong dalawang butas na hindi pa rin natatapalan.