dzme1530.ph

P67.4-B Dalton Pass East Alignment Project sa Central Luzon, inaprubahan ng NEDA Board

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang pagtatayo ng Dalton Pass East Alignment Road Project sa Central Luzon.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, ang proyekto ay pangungunahan ng Dep’t of Public Works and Highways, at gagastusan ng P67.4 billion.

Magkakaroon ito ng apat na lanes at habang 23 kilometers.

Magsisilbi itong bypass road sa Dalton pass na nagko-konekta sa Nueva Ecija at Nueva Vizcaya, at alternatibong daan kapag isinasara ang mga pangunahing kalsada sa gitna ng mga kalamidad.

Inaasahang maku-kumpleto ang proyekto sa 2031, at nakikitang mapabibilis nito ang transportasyon at paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa Central Luzon.

Samantala, inaprubahan din ng NEDA Board ang master plan on high standard highway ng DPWH. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author