dzme1530.ph

P519-M na halaga ng imported na bigas, nadiskubre ng BOC sa mga warehouse sa Bulacan

Nagsagawa ng inspeksyon ang Bureau of Customs (BOC) sa ilang warehouse sa Bulacan na nagresulta sa pagkakadiskubre ng tinatayang P519 million na halaga ng bigas at palay.

Ang inspeksyon sa mga warehouse sa Bocuae at Balagtas ay bahagi ng hakbang ng boc na masawata ang smuggling, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Natagpuan sa mga warehouse ang 154,000 na sako ng imported na bigas at 60,000 na sako ng palay.

Ayon sa Customs, ang mga bigas na mula sa Vietnam at Pakistan ay tinatayang nagkakahalaga ng P431 million habang ang mga palay ay P88 million. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author