dzme1530.ph

P42.9-M jackpot sa MegaLotto, solong napanalunan

Solong napanalunan ng Lotto bettor mula sa Metro Manila ang P42.9-M na jackpot sa MegaLotto 6/45 na binola noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gen. Manager Mel Robles, tinamaan ng maswerteng mananaya ang winning combination na 31 – 13 – 10 – 37 – 34 at 18.

Binili ang Lotto ticket sa Caniogan, Pasig City. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author