dzme1530.ph

P4.7-M na halaga ng shabu nakumpiska sa magkakahiwalay na PDEA, Police Ops sa Maguindanao del Norte

Aabot sa P4.7-M na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency sa magkahiwalay na entrapment operation sa Maguindanao del Norte.

Nasamsam ng mga kasapi ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nasa P3.4-M na halaga ng shabu sa mga magkasabwat na sina Laguiamuda Saidama Samama at Samira Bangon Osmeña na na-entrap sa Barangay Simuay sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Christian Frivaldo, Director ng PDEA-BARMM, kusang nagpa-aresto ang dalawang suspects kung saan nakunan din ang mga ito ng isang Glock 9 millimeter pistol.

Tatlong drug dealers naman ang nalambat ng mga magkasanib na mga operatiba ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng Maguindanao del Norte PPO sa Barangay Sarmiento sa Bayan ng Parang na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P1.3 million na halaga ng shabu at isang .22 caliber revolver.

Nasa kustodiya na ng Parang Municipal Police Station ang mga na-entrap na sina Saharudin Abu, Guimaluden Lidasan at Jeresh Villarin, na residente ng Barangay Sarmiento sa Parang, Maguindanao Del Norte.

Ayon kay Brig. Gen. Allan Nobleza, Director ng PRO-BAR, agad niyang pakakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspect. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author