Target ni bagong Finance Sec. Ralph Recto na maka-kolekta ng P4.3-T na buwis at revenue para sa gobyerno ngayong taon.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Recto na P3-T ang target na koleksyon sa Bureau of Internal Revenue, P1-T sa Bureau of Customs, at P300-B sa Bureau of Treasury.
Sinabi pa ni Recto na dapat ay umabot sa P20 billion ang koleksyon kada araw upang matiyak ang fiscal sustainability.
Ito ay sa harap ng planong pag-utang ng bansa ng kabuuang P2.7-T ngayong taon.
Ito rin umano ang magpopondo sa National Development Plan.
Kasabay nito’y siniguro ng bagong Finance Chief ang pagbabantay para sa tamang paggastos ng pondo, mabilis na pagtugon sa investments, at paghanap ng pondo para sa social services at paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News