dzme1530.ph

P300-B halaga ng investments, target aprubahan ng PEZA

Target ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na aprubahan ang P300-B halaga ng puhunan para sa taong 2023.

Ayon kay PEZA Director-General Teresito Panga, nananatili silang on track upang maabot ang investment goals ngayong taon.

Gaya aniya ng P97-B investment na pinakahuli nilang inaprubahan, na mahigit tatlong beses na mas malaki kumpara noong nakaraang taon.

Kumpiyansa rin si Panga na sa loob ng 5 hanggang 6 na buwan ay malalampasan nila ang target na approved investments para sa kasalukuyang taon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author