dzme1530.ph

P30 million na halaga ng expired na karne, nakumpiska sa raid sa Caloocan

P30-M halaga ng expired frozen meat at meat products mula sa China at Germany ang kinumpiska ng mga otoridad sa ginawang pagsalakay sa isang storage facility sa Caloocan City.

Natagpuan ang illegally-imported meat products sa limang container vans, sa warehouse sa Tuna Street, Kaunlarang Village.

Nabatid na noon pang 2021 expired ang mga karne na pinamamahayan na ng bacteria kaya delikado ito sa kalusugan ng mga consumer.

Ang raid ay isinagawa ng Caloocan City Veterinary Department, Bureau of Customs, Department of Agriculture at National Meat Inspection Service. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author