dzme1530.ph

P3-B standby funds, inihanda para sa apektado ng bagyong Aghon

May naka-standby na tatlong bilyong pisong pondo at prepositioned goods at stockpiles ang pamahalaan, sa harap ng patuloy na pananalasa ng bagyong Aghon.

Ayon kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inihanda ang P3-billion na standby funds at prepositioned goods at stockpiles, upang matiyak ang mas malawak at mabilis na tulong para sa mga apektadong residente.

Umabot naman sa P1.2 million na humanitarian assistance ang naipamahagi na.

Siniguro ng pangulo na maaasahan ang patuloy na pagkilos ng mga ahensya upang hatiran ng tulong ang mga komunidad at tiyaking nasa maayos na kalagayan ang mga Pilipino.

Libu-libong pamilya na ang apektado ng hagupit ng bagyong Aghon sa malaking bahagi ng Luzon.

About The Author