dzme1530.ph

P3.9-M halaga ng liquid marijuana nasabat sa isang claimant sa CMEC Pasay City

Arestado ang isang claimant ng isang parcel na naglalaman ng liquid marijuana sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City mula west Annapolis, USA.

Ayon kay Gerald Javier ng NAIA PDEA- Inter Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang parcel ay idineklarang lot of user playing cards, na ipinadala ng Third Eye Comics ng West St, Annapolis USA na naka-consignee naman kay Glen Paul Cruz y De Jesus ng Este, Calumpit, Bulacan.

Tulad ng isinagawang proseso ng Bureau of Customs lahat ng parcel ay dumaan sa x-ray machine bilang initial inspection, kung saan nakita sa imahe nito ang 493 pcs na disposable vape na nakabalot sa aluminum foil kung saan nakalagay ang liquid marijuana.

Ayon kay Javier, tinatayang aabot sa P3.944,000-M ang halaga ng nasabat na illegal drugs.

Nasa kostudiya na ng NAIA PDEA-IADITG ang naarestong claimant para sa gagawing follow up investigation. –ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author