dzme1530.ph

P225-M jackpot prize sa Mega Lotto 6/45, napanalunan na!

Nasungkit ng nag-iisang mananaya ang mahigit P225-M na jackpot prize sa Mega Lotto 6/45.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), suwerteng nakuha ng lone bettor ang mga numero na 14-05-44-25-01-36 na may kabuuang P225,248,638.00 na premyo.
75 na mananaya naman ang nakahula sa lima sa anim na numero na makatatanggap ng P32,000 bawat isa.
Ang Mega Lotto 6/45 draw ay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

About The Author