dzme1530.ph

P2-P4 taas-presyo sa kada kilo ng bigas, ibinabala ng isang grupo

Hinimok ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. ang pamahalaan na i-secure ang pag-aangkat ng bigas sa harap ng naka-ambang P2 hanggang P4 dagdag-presyo sa kada kilo nito.

Ayon kay PCAFI President Danilo Fausto, kung dati ay nasa $420 hanggang $440 per metric ton ang bigas sa Vietnam, umaabot na ito ngayon sa $540 per metric ton.

Dahil dito, iminungkahi ni Fausto na dapat direktang makipag-negotiate ang Pilipinas sa ibang bansa upang maka-secure ng suplay ng bigas.

Subalit, sinabi ng Dept. of Agriculture na hindi maaaring mag-import ang bansa kung wala namang nararanasang shortage o kakulangan sa anumang produkto.

Sa kasalukuyan, nasa P49 kada kilo ang presyo ng local well-milled rice, habang P46 ang imported well-milled rice. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author