Ginawaran ng incentives sa Malacañang ang mga Atletang Pilipino na nagwagi ng medalya sa 4th Asian Para Games na ginanap sa China noong Oktubre.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ceremonial awarding sa Heroes Hall, kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-34 na Anibersaryo ng Philippine Sports Commission.
12 Para-athletes ang tumanggap ng pabuya, alinsunod sa Republic Act 10699 o ang Expanded National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act.
Mababatid na nagtapos ang Pilipinas sa pang-9 na pwesto sa 4th Asian Para Games sa na-kolektang 10 gintong medalya, 4 na silver, at 5 bronze medals. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News