Hinihirit ng National Food Authority (NFA) ang 16.3 bilyong piso para sa pagbili ng palay sa susunod na taon o sa 2025.
Ayon kay NFA acting administrator Larry Lacson na ang nais na pondo ay para makamit ang target volume para sa national buffer stock at sa pag-upgrade ng storage capacity nito.
Aniya, kailangan umano na madagdagan ang mga pasilidad sa pag-iimbak at pagsasaayos ng drying facilities para sa maayos na buffer stocking.
Sa ngayon, may kapasidad lamang na magtuyo ng 31 thousand metric tons na bigas ang NFA na malayo sa binili nilang 495 thousand metric tons.
Samantala, pinag-uusapan pa rin sa Kongreso kung maibabalik ang kapangyarihan ng NFA na mag-angkat at magbenta ng bigas sa merkado.