Inihayag ng Dep’t of Social Welfare and Development na posible pang itaas ang P15,000 na financial assistance para sa mga kuwalipikadong retailers na apektado ng mandated price ceiling sa bigas.
Ayon kay DSWD sec. Rex Gatchalian, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DSWD at Dep’t of Trade and Industry na maging handa na i-adjust at dagdagan ang ayuda kung ito ay kukulangin.
Iginiit pa ni Gatchalian na importante sa Pangulo na mapangalagaan ang kapakanan ng micro, small, and medium enterprises sa harap ng kanilang pagsa-sakripisyo.
Matatandaang sinimulan na ng gobyerno ngayong araw ng Sabado ang distribusyon ng P15,000 na ayuda sa rice retailers sa iba’t ibang palengke sa NCR.
Sa ilalim ng Executive Order no. 39 ng Pangulo, itinakda sa P41 ang price ceiling sa kada kilo ng regular milled rice, at P45 per kilo sa well-milled rice. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News