dzme1530.ph

P15.3-B, inilaan para sa mga programa ng DMW sa susunod na taon

Naglaan ang Administrasyong Marcos ng P15.3 billion sa ilalim ng proposed 2024 national budget, para sa Dep’t of Migrant Workers.

Ayon sa Dep’t of Budget and Management, P9.7 billion ang alokasyon sa emergency repatriation program ng Overseas Workers Welfare Administration.

P440.11 million naman ang gagamitin sa balik pinas, balik hanapbuhay program para sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga magbabalik na overseas filipino workers.

Inilaan din ang P227.99 million para sa tulong pangkabuhayan sa pag-unlad ng Samahang-OFWS o Tulong Puso, habang P18 million ang alokasyon sa OFW Enterprise Development and Loan Program para sa mga pamilya ng OFWs.

Tiniyak ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na hindi pababayaan ng gobyerno ang kapakanan ng Migrant Workers na itinuturing na mga bayani, at dapat sila ay matulungan at maalalayan lalo na sa panahon ng krisis. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author