P13-Billion ang kailangan para makapagsagawa ng plebesito para sa Charter change, ayon sa Comelec.
Sinabi ng poll body na posibleng makaranas sila ng “financial crisis” kung maisusulong ang national referendum ngayong taon.
Ayon kay Comelec Executive Director Teofisto Elnas Jr., mas mainam na magdaraos ng plebesito para sa Cha-cha sa 2026, pagkatapos ng halalan sa susunod na taon.
Paliwanag ni Elnas, sa Oktubre ay simula na ng paghahain ng Certificates of Candidacy hanggang Disyembre, at pagpasok ng Enero hanggang Abril ng susunod na taon ay puspusan na ang kanilang paghahanda para sa midterm elections. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera