dzme1530.ph

P12-B pondo ng Comelec para sa Cha-cha, ipinalalaan sa pangangailangan ng mga empleyado

Dapat gugulin na lamang ng Commission on Elections sa kanilang mga empleyado ang P12-B na pondong una nang inilaan sa Charter change partikular sa pagsasagwa ng plebesito.

Ito ang bahagi ng suhestyon ni Sen. Imee Marcos kasunod na rin ng suspensyon ng poll body sa lahat ng proseso na may kinalaman sa People’s Initiative.

Sinabi ni Marcos na kung wala nang chacha ay dapat na ibalik sa National Treasury ang pondo.

Gayunman, dahil isang constitutional body ang COMELEC ay hindi kinakailangang isauli ang budget kaya mas makabubuting ilaan ito sa pangangailangan ng mga empleyado.

Ngunit pinatitiyak muna ni Marcos na maibabasura na ang People’s Initiative upang ang P12 billion na pondo ay ilaan sa mga tauhan tulad ng dagdag sa sahod at dagdagan ang mga gusali upang sa gayon hindi na mangungupahan o manghihiram ng mga tao ang COMELEC. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author