dzme1530.ph

P12-B, ilalabas ng DBM para sa housing aid sa Western Visayas

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng P12.259 billion para sa housing aid ng mga biktima ng kalamidad sa Western Visayas, kabilang na ang informal settlers.

Sa naturang halaga, P200 million ang mapupunta sa pabahay ng mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Ang resettlement works ay kinapapalooban ng pagtatayo ng apat na five-storey, low-rise residential buildings. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author