Sumampa na sa P11.83 million ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Aghon sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture, napinsala ng bagyo ang 155 ektarya ng sakahan sa bansa at may 84 na ektarya ang nananatiling lubog pa rin sa baha.
Pumalo naman sa 430 metriko tonelada ng palay at 57 metric tons ng high value crops ang sinira ng bagyo na hindi na maaani.
Sa datos ng DA, ang CALABARZON ang pinaka-napuruhan ng kalamidad, kung saan naitala ang 5 milyong pisong halaga ng pinsala sa agri-sector sa Laguna; habang 4.5 million pesos naman sa lalawigan ng Quezon.