dzme1530.ph

P100-B proposal para sa pag-upgrade sa NAIA, isinumite ng MIAC

Isang consortium ng anim na Filipino Conglomerates at US-based Global Infrastructure Partners (GIP) ang bumuo sa Manila International Airport Consortium (MIAC) at nagsumite ng unsolicited proposal sa pamahalaan para sa pag-upgrade ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang anim na conglomerates na nagsanib pwersa kasama ang GIP ay ang Aboitiz Infra-Capital Inc., AC Infrastructure Holdings Corporation, Asia’s Emerging Dragon Corporation, Alliance Global-Infracorp Development Inc., Filinvest Development Corporation, at JG Summit Infrastructure Holdings Corporation.

Ang unsolicited proposal ng MIAC na nagkakahalaga ng mahigit P100 billion ay kinabibilangan ng investments sa mga bagong pasilidad at teknolohiya para pagandahin ang naia at maging world-class airport.

Disyembre ng nakaraang taon nang ianunsyo ni Transportation sec. Jaime Bautista na bukas ang pamahalaan para sa pagsasapribado ng NAIA.

About The Author