Handog ng gobyerno sa mga manggagawa ang P1.8 billion na ayuda, Mega Job Fair, at Kadiwa ng Pangulo bilang pagdiriwang ng Labor Day.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang ipamamahaging ayuda ay magmumula sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Integrated Livelihood Program, at iba pang programa ng Dep’t of Labor and Employment para sa mga mag-aaral at naghahanap ng trabaho.
Ilulunsad din ang malawakang jobs fair sa 43 lugar sa bansa.
Bukod dito, ipe-pwesto rin ang “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa” sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Abril 30 hanggang Mayo 5.
Ang Labor Day ay gugunitain sa araw ng Lunes, May 1. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News