dzme1530.ph

P1.4-M halaga ng tulong, kaagad ipinaabot sa mga pamilyang apektado ng pagbaha bunga ng LPA at shear line

Kaagad nagpaabot ang Dep’t of Social Welfare and Development ng P1.4 million na halaga ng tulong sa mga pamilyang apektado ng matinding pagbaha bunga ng low pressure area at shear line.

Ayon sa Presidential Communications Office, naka-antabay din ang P1.94 billion na halaga ng food and non-food items sa DSWD Field Offices, National Resource Operations Center, at Visayas Disaster Resource Center.

Bukod pa ito sa P10.45 million na quick response fund sa DSWD Central Office, at P80.09 million support fund sa DSWD field offices.

Kabilang sa mga lubhang apektado ng mga pagbaha ay ang Masbate, Camarines Sur, Eastern Visayas, at ilang lugar sa Mindanao. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author