Target ng Board of Investments (BoI) na makalikom ng P1.3 hanggang P1.5 trillion na halaga ng investment approvals ngayong 2024.
Ayon kay BoI Managing Head Ceferino Rodolfo, ito’y matapos makapagtala ang investment promotion agency ng P1.26 trillion na investment approvals noong 2023.
Kabilang aniya sa primary sources ng investments ngayong taon ay renewable energy, re equipment manufacturing, at mineral processing.
Gayunman, sinabi ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na siyang Chairman ng BoI, na P1.1 trillion ang kanilang official commitment para sa approvals of investments ngayong 2024. —sa panulat ni Lea Soriano