dzme1530.ph

P1.2-B halaga ng droga nasabat ng PNP sa unang kwarter ng taon

Pumalo na sa P1.2-B halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) mula January 1 hanggang March 10, taong kasalukuyan.

Sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ito ay resulta ng 9,375 na operasyon sa buong bansa kung saan naaresto ang 12,622 big time drug pusher at street level personalities.

Kasabay nito, ani Azurin, tinututukan rin ng pambansang pulisya ang operasyon laban sa loose firearms, pagbuwag ng mga private armed groups, at tuloy-tuloy na kampanya laban sa organized crime groups at wanted person.

Sa kabuuang bilang, umabot na sa 6,268 na armas ang narekober ng PNP habang 14,472 wanted persons naman ang naaresto mula January 1 hanggang March 12.

About The Author