dzme1530.ph

P-POP KINGS SB19, KABILANG SA LINE UP NG LOLLAPALOOZA MUSIC FESTIVAL 2026

Loading

Nakatakdang gumawa ng kasaysayan ang P-pop group na SB19 bilang kauna-unahang Filipino group na magtatanghal sa Lollapalooza Music Festival sa Chicago, sa USA.

 

Kinumpirma ng grupo ang balita, matapos ilabas ng Lollapalooza ang kanilang 2026 artist lineup sa social media.

 

Sa post sa Instagram, ibinahagi ng ‘P-pop kings’ ang kanilang pananabik na mapabilang sa global stage.

 

Bukod sa SB19, tampok sa headliner ng festival sina Charli XCX, Jennie ng Blackpink, Tate McRae, John Summit at iba pang icon sa music industry.

 

Bago ang kanilang paglipad patungong Chicago, tatapusin muna ng SB19 ang kanilang “Wakas at Simula” world tour.

About The Author