dzme1530.ph

OVP, dumipensa kaugnay sa paggamit ng P125-M na halaga ng confidential expenses noong 2022

Dumipensa ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa utilization ng P125-M na halaga ng confidential expenses noong 2022, na angkop na nagamit ang pondo para sa layunin nito gaya ng pagbibigay ng medical aid sa mga ospital.

Ito’y matapos sabihin ng Commission on Audit (COA) batay sa kanilang 2022 annual audit report na ang OVP ay may P125-M na confidential expenses noong nakaraang taon sa kabila ng hindi pagkakaroon ng confidential funds sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA).

Iginiit pa ng OVP na maayos nilang nagamit ang nasabing pondo alinsunod sa guidelines na itinakda ng national government.

Ang OVP, sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte ay may P500-M na confidential funds para sa 2023 national budget.

Base sa Summary of appropriations, allotments, obligations, disbursements at balances by object of expenditures, ang confidential expenses ay kinuha mula sa contingency fund ng OVP sa ilalim ng special purpose funds. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author