dzme1530.ph

OVP at DepEd, sanib-pwersa sa paghahanda para sa pagbubukas ng mga klase

Nakipag-team up ang Office of the Vice President (OVP) sa Department of Education (DepEd) para sa isang linggong Nationwide School Maintenance Program para sa paghahanda sa opisyal na pagbubukas ng mga klase sa Aug. 29.

Ang mga ahensya na kapwa pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, ay nagsanib-pwersa para sa Brigada Eskwela 2023, na nagsimula ngayong Aug. 14 hanggang sa Aug. 19.

Sinabi ng OVP na 10 satellite offices sa Dagupan, Isabela, Region 5, Cebu, Bacolod, Tacloban, Davao, Surigao, Zamboanga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang lalahok sa aktibidad.

Samantala, magsasagawa rin ang OVP ng Tree-planting activity sa ilang mga piling eskwelahan sa buong bansa upang makatulong na mapangalagaan ang kalikasan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author