![]()
Tiniyak ng Department of Education na mayroong naghihintay na suporta at trabaho para sa mga gurong Filipino na nais bumalik sa bansa sa gitna ng tensyon.
Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara ‘Sa Pinas, ikaw ang Ma’am at Sir’ o SPIMS Program ay bukas para sa mga Overseas Filipino Teachers.
Sa ilalim ng SPIMS, maaaring ma-apoint ang guro bilang Teacher 1 na may permanent status.
Magkakaroon din anya sila ng access sa mga online refreshers courses para maitugma ang pagtuturo sa kasalukuyang educational standards ng bansa.
Ang SPIMS Program ay pangunahing initiative ng Department of Migrant Workers at National Reintegration Center for OFWs, katuwang ang DepEd, CHED at TESDA para sa maayos na transition ng mga guro dulot ng tensyon sa rehiyon.
