dzme1530.ph

Outgoing DoF Sec. Diokno, babalik bilang miyembro ng BSP Monetary Board

Magbabalik bilang miyembro ng monetary board ng Bangko Sentral ng Pilipinas si outgoing Finance Sec. Benjamin diokno.

Ito ang kinumpirma ng Dep’t of Budget and Management makaraang i-anunsyo ng Malakanyang na papalitan na si Diokno ni Cong. Ralph Recto, bilang kalihim ng Dep’t of Finance.

Nagpasalamat si Budget Sec. Amenah Pangandaman kay Diokno na nagsilbi umanong liwanag at gabay ng economic team.

Siya umano ang nagtatag ng pundasyon para sa economic transformation, at sa kanyang pamumuno sa economic development group ay naiahon ang ekonomiya sa pandemya.

Samantala, tiniyak din ng DBM ang buong suporta kay Recto bilang bagong Finance Sec.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author