dzme1530.ph

Outgoing CPNP Gen. Marbil, nagpasalamat kay PBBM; ipinagmalaki ang mga nagawang reporma

Loading

Ipinagmalaki ni outgoing PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga nagawang reporma nito bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Sa change of command ceremony, ibinida ni Gen. Marbil ang kanyang mga nagawang reporma at programa sa loob ng 1 taon at 2 buwan gaya ng pagbibigay ng financial support sa 1,000 pulis at non uniformed personnel na may sakit, pag resolba sa higit 3,000 administrative cases ng mga pulis na nag resulta sa mahigit 1,000 pulis na sinibak sa pwesto.

Idinagdag pa nito ang mga operasyon ng pulisya na nagresulta sa pagkakahuli ng malalaking personalidad gaya nina Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy at iba pa.

Naging matagumpay rin aniya ang Eleksyon 2025 na ligtas at payapang nairaos.

Inaasahan naman aniyang ipagpapatuloy ni incoming PNP Chief, MGen. Nicolas Torre III ang repormang kaniyang sinimulan sa hanay ng puliysa.

Ipinaabot din ni Marbil ang taos-pusong pasasalamat sa tiwala at pagkakataong ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang kaniyang pamunuan ang PNP sa loob ng 14 na buwan.

About The Author