Pinangalanan ang Opposition Leader na si Anwar Ibrahim bilang ika-sampung Prime Minister ng Malaysia.
Inanunsyo ng Malaysian Sultan Palace ang appointment kay Ibrahim.
Mababatid na ilang araw na hinihintay ang magiging bagong lider ng Malaysia kasunod ng idinaos na General Parliamentary Elections noong sabado.
Ang sitenta’y singko anyos na opposition leader ay dating nakulong ng halos sampung taon daghil sa conviction sa sodomy at korapsyon, na tinawag niyang politically motivated.
Kabilang sa kanyang mga naungusan niya sa eleksyon ay ang nobenta’y nuwebe anyos na dating Prime Minister na si Mahathir Mohamad.