dzme1530.ph

Opisyal ng LTO, tinambangan sa Quezon City

Patay sa pananambang ang isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City, biyernes ng gabi.

Kinilala ng LTO ang biktima na si Mercedita Gutierrez, registration section chief ng LTO central office.

Sa ulat, isang gunman na sakay ng motorsiklo ang bumaril kay Gutierrez sa loob mismo ng sasakyan nito malapit sa Kamias Road ng Brgy. Pinyahan.

Batay sa initial report ng Quezon City Police District (QCPD), nadala pa sa ospital ang biktima pero namatay rin habang ginagamot.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, ang pamamaslang ay isang cowardly act na mariin nilang kinokondena.

Tiniyak naman nito sa naiwang pamilya ng biktima ang kanilang patuloy na koordinasyon sa mga otoridad para mapanagot sa batas ang mga taong nasa likod ng krimen.

Sa ngayon, bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang QCPD para alamin ang motibo o naging dahilan ng pagkasawi ni Gutierrez.

About The Author