dzme1530.ph

Operasyon sa NAIA T3, balik na sa normal

Balik na sa normal ang flight operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Higit 8-oras nang mawala ang supply ng kuryente sa terminal na nagdulot na paghinto sa operasyon at ma-stranded ang libo libong pasahero dahil sa nangyaring pagshut down ng kuryente.

Dahil dito maraming flight ang naapektuhan na nag cost ng delay sa mga parating at papaalis na eroplano sa paliparan.

Karamihan sa reklamo ng mga pasahero ay mainit, wala ring mabilhan ng pagkain.

Matatandaang pasado ala-1 ng madaling araw nang mag brown out sa T3 at naibalik ang supply ng kuryente alas 8:54 na ng umaga.

Nagsagawa ng inspeksyon si DOTr sec. Jaime Bautista at MIAA General Manager Cesar Chiong sa mga pasilidad ng paliparan para alamin ang sitwasyon ng mga pasahero.

Binisita din ni Bautista ang immigration counters para mapabilis ang usad ng mga pasahero papasok sa boarding gate. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author