dzme1530.ph

Operasyon ng PMVIC ng DOTr, tinutulan

Tinutulan ng grupong Alagaan Natin Inang-Kalikasan (ANI-KALIKASAN) ang operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa ilang kuwestiyonableng isyu.

Ayon kay Jun Evangelista, Pangulo ng ANI-KALIKASAN, nagbibingi-bingihan ang DOTr sa kanilang panawagan gayundin sa Committee Report no. 184 ng Senado na ibasura na ang DOTr Department Order 2018-19 o paglilikha ng PMVIC.

Aniya, ilan sa kinuwestiyon ng Senado sa pagbuo ng PMVIC ay ang legalidad nito, kawalan ng konsultasyon at transparency, kakapusan sa mga inspection centers at incompatibility ng Private Motor Vehicle Inspection System na naka-akibat sa Land Transportation Office (LTO).

Pinagdudahan din ng grupo ang pananatili ng PMVIC sa ilalim ng department order kumpara sa operasyon ng mga private emission testing centers na itinayo sa pamamagitan ng Republic Act 8749 o ang Philippine Clean Air Act of 1999.

About The Author