Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng dalawampu’t dalawang bus mula sa dalawang transport companies bunsod ng iba’t ibang paglabag sa safety at comfort ng mga pasahero.
Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, sinuspinde ng hindi hihigit sa tatlumpung araw ang 17 passenger buses na ino-operate ng Elavil Tours Inc. at limang bus ng AMV Travel and Tours, na parehong may rutang Bicol–Manila.
Sinabi ni Mendoza na magsilbi sanang babala ito sa mga transport companies na sumunod sa mga panuntunan para sa ligtas na operasyon at mapanatili ang passenger-friendly stations at terminals.
Bukod sa suspension of operations, naglabas din ng show-cause orders ang LTFRB sa dalawang transport companies para pagpalinawagin kung bakit hindi dapat masuspinde o makansela ang kanilang mga prangkisa.