Binawasan ng LandBank of the Philippines ng P10 ang kanilang fund transfer rate sa online at mobile banking platforms via Instapay.
Sa Advisory, inihayag ng LandBank na lahat ng transfer transactions, kahit magkano, ay ibinaba na ang charge sa P15 mula sa dating rate na P25.
Sinabi ni LandBank President at Chief Executive Officer Lynette Ortiz na sa pamamagitan ng mas mababang transfer rate, mas maraming customer ang makikinabang at mahihikayat na magpadala sa pamamagitan ng digital banking. —sa panulat ni Lea Soriano