dzme1530.ph

Olive oil, natuklasang siksik sa Anti-inflammatory properties

Ang chronic inflammation ay isa sa mga dahilan ng ilang sakit gaya ng Cancer, Metabolic Syndrome, Type 2 Diabetes, Arthritis at Alzheimer’s disease.

Sa ilang pananaliksik, taglay ng olive oil ang antioxidants na oleocanthal na nakatutulong para mabawasan ang inflammation o ang pamamaga ng parte ng katawan.

Ang epekto ng oleocanthal ay maihahalintulad sa anti-inflammatory drugs gaya ng Ibuprofen na mabisa ring pain reliever at pamawi ng lagnat.

Bukod dito, ang main fatty acid ng olive oil na oleic acid ay nakapagpababa rin ng inflammatory level. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author