dzme1530.ph

Oil spill boom, inilatag na ng PCG sa pinaglubugan ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro

Nakapaglagay na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng oil spill boom sa pinaghihinalaang lokasyon ng lumubog na motor tanker na MT Princess Empress sa bisinidad ng Naujan, sa Oriental Mindoro.

Sa Facebook post, ibinahagi ng PCG ang video ng paglalatag nila ng oil spill boom para sa containment at recovery operations sa katubigan ng Naujan.

Ayon sa PCG, lumubog ang motor tanker, 400m na masyadong malalim para marating ng mga diver.

Inihayag naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Lunes na natunton nila ang posibleng lokasyon ng motor tanker sa hilagang silangan ng bayan ng Pola.

Sa nabanggit ding araw ay idineklara ng sangguniang panlalawigan ng Oriental Mindoro ang State of Calamity sa 77 coastal barangays ng naapektuhang mga munisipalidad, gaya ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.

About The Author