dzme1530.ph

Oil price rollback, posible sa susunod na linggo —DOE

Posibleng magpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompaniya ng langis susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, naglalaro sa P0.70 hanggang P0.95 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.

Aabot naman sa P0.80 hanggang P0.90 ang rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Karaniwang inaanusyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad naman sa araw ng Martes.

About The Author