dzme1530.ph

Oil price rollback, ipapatupad bukas!

Magpapatupad ng baryang rollback sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis, bukas.

Batay sa pagtaya ng ilang oil industry players, P0.30 hanggang P0.40 centavos ang mababawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Sampung sentimo hanggang dalawampung sentimo naman ang rollback sa bawat litro ng gasolina.

Nabatid na ini-uugnay ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau ang rollback sa humuhupang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

About The Author