dzme1530.ph

Oil price rollback, epektibo na ngayong araw!

Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpaniya ng langis.

Alas 12:01 kanina nang ipatupad ng Clean Fuel at Caltex ang P1.40 na rollback sa kada litro ng gasolina, P0.70 sa kada litro ng diesel, at P0.20 sa kada litro ng kerosene.

Ganitong galaw din ang ipinatupad ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, alas-6 kaninang umaga.

Nabatid na ang naturang oil price rollback ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

About The Author