Inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, Abril 25.
Sa pagtaya, aabot sa ₱1.50 hanggang ₱1.80 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang bababa naman sa ₱0.80 hanggang ₱1.00 kada litro ang presyo ng diesel.
Maaari namang matapyasan ng ₱0.20 hanggang ₱0.40 ang kada litro ng kerosene.