dzme1530.ph

Oil price hike bukas, nakaamba!

Abiso sa mga motorista!

Nagbabadyang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, bukas, May 16.

Sa pagtaya ng oil industry players, aabot sa P1.20 hanggang P1.50 ang dagdag-singil sa kada litro ng diesel.

Habang tataas sa P1.10 hanggang P1.40 kada litro ang presyo ng kerosene.

Maaari namang madagdagan ng P0.20 hanggang na P0.50 ang kada litro ng gasolina.

Nabatid na karaniwang inaanusyo ang price adjustments ng mga kumpanya ng langis tuwing Lunes at ipinatutupad naman ito sa susunod na araw.

About The Author