dzme1530.ph

Oil price hike, asahan bukas!

Aarangkada na bukas ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo, matapos ang rollback noong nakaraang linggo.

Ayon sa Oil industry players, inaasahang papalo sa P1.20 hanggang P1.50 ang dagdag-singil sa kada litro ng diesel.

Nasa P1.10 hanggang P1.40 centavos kada litro naman ang itataas ng presyo ng gasolina at kerosene.

Batay sa pagtaya ng Dep’t of Energy, ang oil price adjustment ay bunsod ng mataas na singil sa kada bariles ng langis ng OPEC countries, sa pangunguna ng Saudi Arabia.

About The Author